Muo Ruins
15 minutong clan battle sa , tatlong beses bawat araw (dalawa tuwing Miyerkoles at Linggo). Bawat kill ay may War Point; Mount Lucky Box ang makukuha ng nanalong clan at ng kakampi nito. Bilang din sa daily-mission ang war na may panalo.
Iskedyul
Ang oras na ipinapakita ay kung kailan magsisimula ang 10 minutong countdown sa chat ('The entrance will be opened in a moment.'). Saka bubukas ang pasukan at may box na magtatanong ng 'Do you wish to move to the location?'. Lalabas lang ito kung naka-on ang War Invite (mobile: Settings > War Invite) o naka-set ang Auto PVP na sumali.
Mga patakaran
Bukas ang pasukan nang 3 minuto; 15 minuto ang laban.
Panalo ang clan na may pinakamaraming kill. Hindi binibilang ang stun kill.
Bawat kill ay nagbibigay ng +1 War Point, +1 CP at +1 Hero Rank point, at tsansa ng .
Bawat kill ay may parehong maliit na tsansa ng random drop gaya ng regular-war (Ancient Platinum, lucky box, CP Charm, Bronze Bar, mount).
Ang laban na may panalo ay bilang na war ng daily-mission para sa lahat ng nasa map pa; hindi bilang ang tabla.
Gantimpala
Ang mga reward ay nalalaglag sa lupa sa paanan mo. May mga isang minuto ka para pulutin ito bago bumalik ang lahat sa bayan.
Hero Rank sa dulo: 50 sa nanalong clan at kakampi nito, 15 sa iba, wala kapag tabla.
